Una sa Balita

Immigration nagbukas ng e-gate para sa mga OFW

0 467

UPANG layong mapabilis ang pagproseso at mabawasan ang mahabang pila sa mga pali­paran sa mga pangunahing puerto sa bansa sa panahon ng mahabang bakasyon ay inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang electronic gate (e-gate) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago ang Pasko.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente nilagdaan na niya ang isang memorandum of agreement sa service provider para sa pilot test ng mga e-gate NAIA 2 sa immigration departure area.

Una nang ipinatupad ang naturang sistema noong nakaraang taon sa immigration arrival sa tatlong terminal ng NAIA at ang mga international airport sa Mactan-Cebu, Davao, at Clark.

Kapansin-pansin ang pagbaba ng mahabang pila sa mga pali­paran na iniugnay sa matagumpay na pagpapatupad ng proyekto.

Aniya tulad ng paglalagay ng mga e-gate sa mga arrival area ng BI, ang mga bagong daanan ay dapat magsilbi lamang sa pag-alis ng mga OFW upang matiyak ang mas maayos at mas mabilis na pagproseso para sa mga Pilipino bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More