Una sa Balita

Imee, Ilocos 6 tinabla ng Korte Suprema

By
0 1,596

IBINASURA ng Korte Suprema ang petisyon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos at ng binansagang Ilocos 6 na kumukuwestiyon sa legalidad ng contempt order at ang pagkakadetine sa kanila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang Ilocos 6 ay mga empleyado ng provincial government ng Ilocos Norte na iniutos ng House committee on good government and public accountability na ikulong sa Kamara noong Mayo 29, 2017 matapos mabigong sagutin ang mga katanu­ngan sa kanila kaugnay ng maanomalyang pagbili ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan na galing sa pondo ng tobacco excise tax.

Isinaalang-alang ng Korte Suprema ang doktrina ng separation of powers at kinilala ang constitutional prerogative ng sangay ng lehislatura.