Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Imee ‘di type maging Senate President

0 99

INIHAYAG ni Senadora Imee Marcos na hindi niya target na maging susunod na Senate President o kumuha ng kahit anumang mataas na posisyon sa Senado sa 19th Congress.

“Hindi ko minimithi na mag-Senate president o kung ano-ano pang mga posisyon. Ang akin lang tuloy-tuloy lang ang trabaho sa Senate. Maraming trabahong hinaharap,” pahayag ni Marcos sa panayam sa dzBB.

Giit pa ng senadora, magsisilbi na lang siyang ‘super ate’ ni Bongbong sa Senado.

“Ako na lang ang ‘super ate.’ Sapat na ‘yon, hindi na kailangan ng iba pang titulo, kung hindi tumulong mula sa legislative side,” ayon sa senadora.

Una rito, sinabi ni Senador Sonny Angara na interesado sina Imee at Senator-elect Loren Legarda ang posis­yon sa pagka-Senate President Pro Tempore, ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa Senado.

Bukod dito, target din umano ni Imee na maging susunod na chairman ng Senate finance committee na hawak ni Angara ngayong 18th Congress.

Sa kasalukuyan sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Cynthia Villar, Senator Sherwin Gatchalian at nagbabalik-Senado na si Sorsogon Gov. Francis Escudero ang naglalaban-laban para makuha ang pinakamataas na posisyon sa Senado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.