Una sa Balita

Imbo, Altas itatakas ang silya sa semifinals

By
0 282

Standings W L
*AU 7 0
*SBU 7 1
CSB 6 1
UPHSD 4 2
SSC-R 4 3
JRU 4 4
LPU 2 5
MU 1 6
CSJL 1 6
EAC 0 8
* semifinalist

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12 noon – MU vs CSJL (women’s)
2 p.m. – UPHSD vs AU (women’s)

NASIKWAT ng defending­ champion Arellano University at last year’s runner-up San Beda University ang dalawa sa apat na semifinals ticket sa 94th NCAA women’s volleyball tournament.

Nasa tuktok ang Lady Chiefs kapit ang malinis na pitong pana­lo habang nasa second spot ang Lady Red Spi­kers na may 7-1 card, posibleng isa na lang ang pinaglalabanan dahil nasa pangatlo ang College of Saint Benilde hawak ang 6-1 baraha.

Kasalukuyang naka­puwesto sa pang-apat ang Pereptual Help Lady Altas kalong ang 4-2 karta, nasa likuran ang San Sebastian College (4-3) at Jose Rizal University (4-4).
Kaya walang ibang iniisip ang Lady Altas kundi manalo ngayong araw laban sa Arellano University pagharap nila ngayong alas-2:00 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City upang luma­kas ang tsansa sa asam nilang makapasok sa Final Four.

May tatlong laro pa ang Perpetual Help sa elimination round, kailangan nilang manalo lahat upang makasiguro ng playoff para sa susunod na phase.

Puwedeng dumiretso na rin sa semis ang Lady Altas kung maipanalo lahat, depende sa resulta ng ibang mga natitirang laban ng kanilang mga katunggali.

Muling kakapitan ng Perpetual Help si Cindy Imbo na nagtala ng 12 hits sa kanilang huling panalo.

Para sa Lady Chiefs, kahit swak na sila sa F4 ay itotodo pa rin nila ang kanilang lakas para makuha ang panalo.

Mahalaga ang dalawang natitirang laro ng Lady Chiefs dahil puwede silang umentra sa best-of-three finals kapag nilista ang nine-game sweep. ()