Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Imbiyerna mga fan: Derek, Ellen papansin, sawsaw kina Lloydie, Andrea

0 57

Hindi nagustuhan ng mga fan ang kuwento na kesyo bet ni Derek Ramsay na magkasama sila ni Ellen Adarna sa isang teleserye, o sitcom sa GMA-7.

Lumabas nga sa Instagram ni Tita Lolit Solis na kesyo gumagawa ng paraan si Derek para makapasok sa GMA-7 si Ellen.

Sa simula ay marami ang natuwa, pero noong maramdaman nila na gusto lang sumakay ni Derek sa pinag-uusapang proyekto na planong gawin nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres, nagbago ang ihip ng hangin.

Ano raw ba ang gustong patunayan ni Derek, at bakit sa tuwing may bagong kuwento sa ex-girlfriend niyang si Andrea, tulad nga nitong mainit na pinag-uusapan na gagawa ito ng project kasama ang ex-boyfriend naman ni Ellen na si John Lloyd, bigla siyang may paandar, pahiwatig na ganito.

SM food to go Banner Ad

Wish ng mga fan, ‘wag sakyan ng Kapuso channel ang chikang ito ni Derek.

“Lagi siyang ganiyan, kapag may mga bagong balita either kina John Lloyd at Andrea, may mga paandar sila. Mahiya naman siya. Hindi na nga siya pinapansin ni Andrea, di ba?” sabi ng mga fan.

“Ang hilig sumawsaw ni Derek! Manahimik na lang siya. Sana hindi totoo na nagbabalak siyang ipasok si Ellen sa GMA, lalo na nasa GMA na si Lloydie at may project kay Andrea!” sambit naman ng iba pang fan.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.