Una sa Balita

Imbitasyon ng NYC

0 295

Dear Abante:

Nais lang po namin ipagbigay alam sa publiko at sa kabataan na patuloy po kaming tumatanggap ng aplikasyon para sa ASEAN Youth Digital Business Summit at ASEAN Conference for Young Scientist. Ito po ay proyekto ng National Youth Commission (NYC) para po sa mga kabataan na nais mahasa pa at magkaroon ng dagdag kaalaman sa mga nabanggit na larangan. Ang intensyon po ng proyekto ay hikayatin ang kabataan na linangin pa ang kanilang mga talento sa iba’t ibang aspeto.

Ang NYC ay nais akayin ang kabataan sa tamang landas at sa mas mabuting samahan na makakatulong sa kanilang hinaharap lalo na sa kanilang pamilya.

Hindi man po kami matunog tulad ng Kabataan Party-list ngunit kami po ay mas may maiaambag na mabuti sa mga tulad naming kabataan na nais ng pagbabago hindi lamang sa aming mga buhay kundi maging para sa ating bayan.

Lilinawin ko lang po na ang NYC ay itinatag hindi para lumabas sa kalsada at magprotesta, hindi para magbandalismo at lumaban sa gobyerno. Hindi rin po kami nagrerekrut para maging kabataang armado, bagkus kami po ay hindi sang-ayon sa ganitong mga kalakaran. Ang adbokasiya po namin ay palawigin ang kaalaman ng kabataan na magagamit nila para sa kanilang kinabukasan. Sana po ito ay mailathala ito. Maraming salamat po.

Andrea Tomales
NYC

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy