Una sa Balita

Imbestigasyon sa PCSO corruption magiging patas — Palasyo

0 317

WALANG sasantuhin sa imbestigasyon laban sa mga opisyal at dating nanilbihan sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahit pa mga kaibigan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng ulat na ilan sa mga iniimbestigahan ay kaibigan umano ng Presidente.

Ayon kay Panelo, makakaasa ang publiko ng patas na imbestigasyon dahil kahit kailan ay hindi nakialam ang Presidente sa alinmang ahensiya ng gobyerno.

“Investigation of this government is always fair and impartial and we’ll have to wait for the findings of the investigation,” ani Panelo.

Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng online gaming ng PCSO dahil sa ulat na pandaraya at hindi pagre-remit ng kita ng mga franchise operator partikular sa larong small time lottery.

Ilan sa mga STL franchise operator ay mga retiradong heneral na kaibigan umano ng Presidente. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy