Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Imani kursunada ni Aquino

0 85

ATAT pa rin ang Gilas Pilipinas women’s national basketball team na makahanap ng isang manlalaro na pwedeng i-naturalize tulad na mayroon noon ang Gilas men’s squad sa katauhan ni Andre Blatche upang makasabay sa naglalakihang mga kalaban sa ibang bansa.

Isa sa mga tinututukang kunin ni Patrick hency Aquino si dating Women’s National Basketball Association player at utol ni Phoenix Suns center Javale Mcgee na si Imani McGee-Stafford.

Kakababa lang sa kanyang pwesto bilang tactician ng six-time University Atrhletic Association of the Philippines women’s basketball champion National University Lady Bulldogs, inamin ng national coach nitong Sabado nagpagigil sa kanyang tapikin ang manlalaro sa mga ulat na interesado rin ang 6-foot-7 center ng Perth Lynx sa WNBL na maging parte ng Pinay quintet.

“As of now, I’m still looking for naturalized players like Andray Blatche,” wika ni Aquino sa GMA News Online matapos makumpleto ng Gilas women ang back-to-back gold medals sa nagdaang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. “There were rumors that the sister of Javale McGee of the Phoenix Suns would like to come and join us so we’ll try to do the process already. Hopefully, it will materialize in the coming years so that she can help us also.”

Minsan ng kinatawan ni McGee-Safford ang Estados Unidos sa International Basketball Federartion under-17 World Championship kung saan nagwagi ng medalyang ginto nu’ng 2011 sa Toulouse at Rodez France. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.