Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Imam patay, 4 sugatan sa sumiklab na rido

0 241

Patay ang isang imam habang apat ang sugatan matapos umano silang ratratin ng hindi pa tinutukoy na mga suspek dahil sa matagal na umanong rido o away-pamilya sa bayan ng Sumisip sa Basilan noong Biyernes.

Nalagutan ng hini¬nga habang nilalapatan ng lunas ang 24-anyos na imam na si Mutilan Como Ajanab, habang nakaratay sa pagamutan dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sina Rashid Hajibain Suraman, 48; Abdulmalik Suraman Jumlatal, 34; Harisa Hajibain Hadjail, 15; at Hafidz Suraman Jumlatal, 23.

Ayon sa report, nagpapahinga sa tapat ng kanilang bahay ilang sandali pagkagaling sa kalapit na mosque ang mga biktima para sa kanilang Tarawih prayer nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa Brgy. Sapa Bulak, Sumisip bandang alas-7:45 ng gabi noong Biyernes.

Sinabi ni Col. Pedro Martirez Jr., provincial police director, na rido o away-pamilya ang isa sa mga tinitingnan nilang anggulo sa krimen.

Dahil dito’y inatasan na rin aniya niya ang mga hepe ng pulisya sa lalawigan na makipag-ugnayan sa counterpart nilang mi-litar para masiguro ang kaayusan sa lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.