Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

I’m not yet dead – Kris Aquino

0 441

“I’m not yet dead! Masyado kayong advance!” sabi ni Kris Aquino sa kumalat na tsismis na nag-aagaw buhay na siya, at ang malala, patay na siya.

Nag-post nga si Kris ng video na nasa hospital siya, Friday, at sabi nga niya, Sabado ay palipad na siya sa Amerika para tuluyang magpagamot.

Heto nga ang post ni Kris:

“Pasensya na, hindi po ako sigurado if my video made sense. Mula end of April, we found out life threatening na ‘yung illness ko.

“I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana ng tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag-thank you & to tell the truth.

“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the (American flag) – meron po akong vasculitis, to be very specific – late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA.

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City). They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest.

“’Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag-infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.
“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15 – kung balak nyo pong mambastos or mag-comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.

“Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan,” sabi ni Kris.

Umulan ng dasal sa IG ni Kris. Lahat ay humihiling na gumaling si Kris. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.