Una sa Balita

Ilusyunado ka, ha! Juliana Gomez itinanggi ang relasyon kay Marco Gallo

0 868

Naiintindihan daw ni Marco Gallo kung sakaling may denial sa naging revelation niya noon kay Boy Abunda tungkol sa naging relasyon nila ni Juliana Gomez bago siya bumalik sa Italy. May katoto nga raw na nakausap ang unica hija ni Leyte Mayor Ri­chard Gomez at tila itinatanggi niya ito.

Pero nang makatsikahan naman namin si Marco sa presscon ng pelikulang “Familia Blondina,” siya na mismo ang nagsabi na okey lang sa kanya ‘yun, dahil maging noon na sila pa, ayaw nilang ipaalam ito sa publiko dahil hindi naman talaga showbiz si Juliana.

Gayun pa man, iginiit pa rin niya na naging sila for a few months at hindi naman daw ito inabot ng isang taon. Nang umalis siya, maayos silang nag-usap at pinayuhaan pa nga siya ni Juliana to continue chasing his dreams.

‘Yung sinasabi rin na dini-deny din ni Goma na naging sila nga ng kanyang anak ay naiintindihan din daw niya kaya ayaw na niyang mag-comment pa. Ang mahalaga, up to now ay na-preserve pa rin nila ang kanilang friendship kahit hindi na ito kasing close before.

Anyway, back for good na talaga siya sa ‘Pinas na kahit daw abutin pa siya ng 20 years, ay mag-i-stick na siya rito sa atin, kaya dedma muna siya sa kanyang lovelife. Nito nga raw Valentine’s Day, ang Mama lang niya ang binigyan niya ng ice cream na kailangan pa niyang gisingin dahil tulog na.

At least, nga raw magiging busy siya sa promo ng “Familia Blondina” na perfect timing sa kanyang pagbabalik. (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy