Una sa Balita

Ilovehenry sinilat si Rosario Princess

By
0 842

Swak sa gitna pagremate ni Ilovehenry kaya naman nakuha nito ang panalo sa Condition Race category 21 noong Martes ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Wala sa pitong nagkukumpulang kabayo papasok ng home turn ang winning horse pero sa rektahan ay sumasagitsit patungong unahan si Ilovehenry kung saan sa gitna ipinadaan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee O’Neal P Cortez para makuha ang bandera.

Hindi na lumingon sa likuran si Cortez pag-agaw nito ng unahan at tumuloy-tuloy ito hanggang meta na may tatlong kabayo ang agwat sa na segundong si Shadow Jane.

“Mabuti maluwag ang dinaanan namin, ang laki ng hakbang ni Ilovehenry kaya noong makita ko na maluwag ang dadaanan namin ay tinuloy-tuloy ko,” ani Cortez.

Tumersero sa 1,400-meter race si Mother Secret habang pang-apat ang liyamadong si Rosario Princess.

Samantala, nagwagi sa Condition Race Merged category 10 na pinasibat sa pangalawang karera ay si Rise Up na sinakyan ni class B rider CM Pilapil.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy