Una sa Balita

Ilove Jane bumida sa Condition Race

By
0 285

HINDI binigo ng kaba­yong Ilove Jane ang mga liyamadista matapos nitong sikwatin ang panalo sa Condition Race cate­gory 16 Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pangalawa sa bugaw sa largahan si Ilove Jane na nirendahan ni class A rider Ronald Baldonido habang naglulutsahan sa unahan sina second choice favourite Lucky Julliane at Sunny Side.

Anim na kabayo ang agwat nina Lucky Julliane at Sunny Side sa mga humahabol na sina Legionaire at Diamond’s Best.

Papasok ng far turn ay iniwanan ni Lucky Julliane si Sunny Side habang ang winning horse na si Ilove Jane ay guma­gapang sa balya.

Pagdating ng homestretch ay parang sibat na kinuha ni Ilove Jane ang bandera upang tawirin ang meta na may tatlong kabayo ang agwat sa segundong Lucky Julliane.

“Sa half mile guma­law na kami baka kasi mabitin pero sobrang ga­ling ni Ilove Jane kaya sa home turn pa lang alam ko lalampas kami kay Lucky Julliane,” kuwento ni Baldonido.

Nirehistro ni Ilove Jane ang tiyempoing 1:29.2 sa 1,400-meter race.

Terserong dumating si Diamond’s Best habang pang-apat si Sunny Side.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy