Una sa Balita

Ilong ni Lassiter basag

0 418

WALA nang June Mar Fajardo,­ nalagasan pa muli ang San Miguel Beer nang sumargo ang ilong ni Marcio Lassiter noong isang linggo.

Nasiko ang Fil-Am gunner­ sa tuneup game kontra Rain or Shine at hindi na naglaro sa umpisa ng pocket tournament na Phoenix Super Basketball Tournament sa Upper Deck Gym sa Pasig nitong Lunes.

Tatlong linggo pa bago simulan ng Beermen ang paghahabol sa six-peat sa Philippine Cup na magpapasimula ng PBA 45th season. Unang asignatura agad ng San Miguel ang runner-up nila noong nakaraang taon na Magnolia sa opening night sa March 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Makakalaro na sa opener si Marcio pero posibleng magsuot pa muna ng protective mask.

Out na sa all-Filipino, malamang sa buong papasok na season din, si Fajardo habang nagpapagaling mula fractured shin na nakuha sa praktis sa kaagahan ng buwan.

Wala si Lassiter sa pocket tourney, at sumadsad ang San Miguel sa NLEX 103-97.

Umiskor si Mo Tautuaa ng 15 point at nagbaba ng 5 rebound, may tig-14 sina Terrence Romeo, Arwind Santos at Alex Cabagnot. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More