Una sa Balita

Ilonah Jean hinahanap-hanap ang buhay sa harap ng kamera

By
0 1,128

Base sa reaksiyon ng mga fan sa naging guesting ni Ilonah Jean sa Abante News Online show namin ni Rey Pumaloy, ang Abantelliling, mukhang na-miss ng mga Pilipino ang aktres na sumikat nu’ng Dekada 90.

Napuno nga ng iba’t ibang reaksiyon ang Facebook wall ng Abante, na nagsasabing hanggang ngayon ay maganda, at puwedeng-puwede pa ring mag-artista sa Pi­lipinas ang aktres.

Kunsabagay, mismong si Ilonah ay nagsasabing na-miss din talaga niya ang pag-arte.

“Nami-miss ko rin talaga ang showbiz, kasi 20 years akong nasa showbiz. Kumbaga parang half of my life nasa showbiz ako. Pero since ang son ko, gusto talaga niya sa US, that’s why hindi ako makabalik dito. So, doon na talaga ang buhay ko,” sabi ni Ilonah.

“Pero pag may mga taping doon sa US, kinu-contact pa rin naman nila ako. Like nag-guest ako sa MMK kasama ko si Gina Alajar.

“May ibang mga offer rin, pero dahil conflict sa schedule rin sa work ko, dahil free lang ako ng Sa­turdays and Sundays, so hindi ko rin nagagawa. ‘Yun lang ina-allow sa akin na mag-work ng iba.”

Ano ba ang nakaka-miss sa showbiz?

“‘Yung nasa harap ako ng camera. Of course, ‘yung nagbi-build ka ng friendship with sa mga co-stars mo. ‘Yung working with people. And ‘yung acting din talaga, nakaka-miss.”

Maginhawa ang buhay sa US

Mahigit isang dekada na nga na nasa Amerika si Ilo­nah. At tulad ba ng iba, nahirapan din siyang mag-adjust sa buhay niya roon?

‘Di ba nga, dito sa Pilipinas, sikat siyang artista noon, pinagkakaguluhan ng mga tao, at nakukuha ang mga gusto niya. Pero sa US, ordinaryong tao lang siya.

“Nu’ng una gusto ko lang part time, kasi may private life ako, kailangan ko part time lang para may ginagawa ako. Nag-work ako sa Starbucks as barista, at nagustuhan ko kasi I love cleaning the house.

“After that, nag-work ako sa bangko, at okey naman.

“Ang difference mas higher pay ‘yung ngayon. Pero ang showbiz paglabas mo maraming makakakilala sa iyo, nakikita ka sa TV. ‘Yung work ko nga­yon, ­really fulfilling kasi… ­marami akong natutulu­ngan na mga costumers para maging successful sila financially, and I love that.

“Kung hindi ako nagpunta sa US, for sure nasa showbiz pa rin ako nga­yon,” kuwento ni Ilonah.

Sino kina Robin, Herbert, Janno ang nanligaw kay Ilonah?

‘Ang init! May fire exit ba kayo?’

Napag-usapan din ang tungkol sa mga leading men niya noon, na ang iba ay nabalitang nanligaw sa kanya, na kung hindi siya umalis ng Pilipinas, malamang napangasawa niya ngayon.

‘Naku matagal na ‘yan. Huwag na ‘yan! Hahahaha!” natatawang sabi ni Ilonah.

Pero, may naging dyowa ba siya na nakapareha niya sa pelikula?

“Hindi ko na rin alam. Nakalimutan ko na, eh. Hahahaha!” paiwas na sagot niya.

Anyway, isa-isa nga na­ming binanggit ang mga pangalan nina Robin Padilla, Herbert Bautista, Janno Gibbs kay Ilonah, na mga nakatrabaho nga niya noon. Pero, kay Robin biglang nagpaypay si Ilonah, na parang naini­tan.

“Wala, hahahaha! Basta hindi na lang sila lahat! Hindi na lang lahat!” natatawang sabi ni Ilonah.

“Basta no comment! Hahahaha! May fire exit ba kayo? Ang init!” natatawang hi­rit pa niya.

Anyway, hiwalay na nga rin si Ilo­nah sa ex-husband niya, pero may boyfriend nga raw siya ngayon, kaya happy ang life niya.

Siyempre, Amerikano ang dyo­wa niya ngayon. Bakit, ayaw ba niya sa Pinoy?

“Hindi naman, kasi kahit na anong nationality, depende kung makakasundo mo ‘yung tao, na kung siya ba ang taong mag-aalaga sa iyo, kung sincere ba siya. When you see that, ‘yun ang gusto ko. At gusto ko sweet kasi, at kailangan loyal.”

Irene O’Neill gumawa ng pangalan sa Amerika

a totoo lang, bongga rin ang kapatid ni Ilonah na si Irene O’Neill, na nag-aartista ngayon sa Amerika. New York based nga ito, at sa itsura pa lang niya, alam mong palaban sa aktingan.

Kasal na nga si Irene sa isang Italian-Irish, pero wala pa silang anak. At bilin nga raw sa kanya ng Ate Ilonah niya, dapat ay family oriented, mabait, at guwapo ang piliin niya na makakasama sa buhay.

Sobrang supportive raw ng dyowa niya sa kanya.

“Na kahit anong gustong gawin namin, wala si­yang sinasabi. Nasa marketing kasi siya. Suppor­tive kami pareho,” sey ni Irene.

Ikinuwento ni Irene na masipag siyang mag-audition sa Amerika. Na kung ano man ang mga nakuha niyang trabaho ngayon, talagang pinaghirapan daw niya ito.

“Mahirap doon. Pag wala kang manager, ikaw talaga, you have to search for the job. So dapat may manager ka, sila ang magpapadala sa iyo sa auditions.

“Iba-iba ang auditions. Kung modeling, the line is long, at by the time you get in, one minute lang, pose-pose, thank you goodbye, tatawagan ka na lang nila kung gusto ka nila.

“Then sa mo­vie, either magdadala ka ng script, or may script sila for you. Pag may script sila for you, you have to memorize it nang 15 minutes before. You have a camera in front of you, give your best. Thank you. Kung gusto ka, tatawagan ka,” chika ni Irene.

Anyway, ang mga nagawa nga palang acting project ni Irene sa Amerika ay ang Broken Hearted at Slumber Party, na hopefully ay maipalabas din dito sa Pilipinas.

Magkapatid nag-agawan kay Abante Cutie

Siyanga pala, nagpakitang gilas sa pag-arte si Irene sa acting challenge namin sa kanila ni Ilonah sa Aban­telliling. Ang eksena, pinag-aagawan nila si Abante cutie, at yes, todo bigay talaga si Irene.

Ang husay niyang gumawa ng mga linya, to think na on the spot nga ang mga eksenang ‘yon. At kaloka nga na may mga sinabi pa siya na mas magaling siya sa bed kesa sa Ate Ilonah niya, na dahilan para mapasigaw ang lahat sa studio ng Abante.

Pero siyempre, hindi rin nagpakabog sa akti­ngan si Ilonah, dahil ipinakita niya sa sister niya na iba pa rin ang karanasan na nakuha niya bilang aktres sa Pilipinas.