Una sa Balita

Ilokanong senior citizen, hypertension ang kinamatay hindi Covid

0 413

HINDI coronavirus disease ang ikinamatay ng isang senior citizen kundi sa hypertension, ayon sa Dingras local government unit (LGU) kahapon.

Pinabulaan ni Dingras, Ilocos Norte Mayor Jeffrey Saguid ang kumakalat na balita ang namatay sa COVID-19 ang 64-anyos na umano’y inilibing kaagad.

Ayon sa alkalde, dumating ang biktima noong March 14 sa Barangay Suyo, Dingras mula Novaliches.

Ipinaliwanag ni Saguid na ang biktima ay isang Person Under Monitor (PUM) kung saan mayroon itong sakit na diabetes at hypertension.

Nilinaw din sa medical report ng Dingras District Hospital (DDH) na ang Ilokanong biktima ay nasawi dahil sa hypertension at hindi sa COVID-19.

Inamin ng alkalde na marami ang nag-panic hinggil sa balitang namatay ang biktima sa sakit na nasabing virus ngunit wala aniya itong katotohanan. (Allan Bergonia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More