Una sa Balita

Iloilo university nakopo ang top 10 post sa nursing board exam

0 455

Wagi ang West Visayas State University (WVSU) sa 2018 Nursing Licensure Examination matapos na masungkit ng 12 graduates ng unibersidad ang top 10 post sa katatapos na eksaminasyon.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) 12 WVSU graduates ang nakapasok sa top 10.

Nasa 5,059 sa kabuuang 9,691 naman ang nakapasa sa examination ng Board of Nursing.

Si Almira Louise Hinsoy ng WVSU ang nanguna na may iskor na 87.4 percent rating at katabla nito si Jeremiah Paula Caceres ng Angeles University Foundation.

Ang iba pang graduate ng WVSU na pasok sa top 10 ay sina Dennise Kim Marie Luig, 87.2 percent; Michaelle Christiane Con-El (87 percent); Gernoe Marie Saquian, Shaniah Grace Condag, at Joseph Dann Enero, Kaila Mae Laurete Macairan (86.8 percent); Thomas Benroe Supena (86.2 percent); Jenrose Victor Buenvenida (85.8 percent); Rona Jane Lanzuela (85.8 percent); Tristan James Amaguin (85.6 percent); at Angel Mae Malones (85.60 percent).
Ang good news ay ang pagkakapasa ng 163 ng graduates ng WVSU sa eksaminasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy