Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iloilo naghigpit sa mass gathering

0 90

Tututukan ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang mass gathering sa kanilang lugar.

Sa inilabas na executive order ni Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na bawal ang mass gathering na ‘purely recreational’ o ‘for leisure’.

Nilimatahan din ang bilang ng mga papayagan sa mga religious gathering, opisina at restaurant sa 30 percent.
Pinagbawal din ang pagbubukas ng mga bar, club, sinehan, perya, playground at sabungan.

Ayon sa datos ng City Health Office, umabot sa 309 ang kaso ng COVID-19 sa Iloilo mula May 1 hanggang May 11. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.