Una sa Balita

Iloilo mayor, vice mayor kinasuhan sa transpo allowance

By ,
0 1,331

Iniutos ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft sa mayor at vice mayor ng Lambunao, Iloilo dahil sa umano’y maanomalyang pagtanggap ng transportation allowances noong 2014.

Kinilala ang dalawa na sina Mayor Reynor Gonzales at Vice Mayor Cesar Gonzales, na kapwa re-elected officials noong 2016.

Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na patuloy na tumatanggap ng transporation allowances ang dalawang opisyal kahit may nakatalaga namang go­vernment service vehicle para sa kanilang mga opisyal na lakad.

Base sa COA’s Notice of Disallowance (ND), tumanggap si Reynor ng P90,000.00 samantalang si Cesar ay tumanggap ng P83,880.00 bilang transportation allowance noong Enero 2014 hanggang Disyembre 2014.

Sa ilalim ng Department of Budget and Management Circular No. 2013-103 na may petsang Mayo 15, 2013, itinatakda nito na hindi na maaaring tumanggap ng kanilang transportation allowance ang mga opisyal ng gobyerno na may ginagamit nang service vehicle.

Ayon sa anti-graft body, isinauli na ng alkalde ang kalahati ng halaga ng natanggap niyang allowance samantalang aminado naman ang bise alkalde na hindi pa niya naibabalik ang natanggap na allowance.