Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iloilo mayor pinagpapaliwanag sa online sabong

0 110

Pinahinto ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatakbo ng mga sabungan sa bayan ng Janiuay, Iloilo habang hinihintay ang pagsisiyasat sa sinasabing online cock derby doon.

Pinatawag din ng director ng DILG-Iloilo na si Teodora Sumagaysay si Mayor Bienvenido Margarico upang ipaliwanag ang sabong noong Nobyembre 13. Nakita ng mga awtoridad ang isang video camera sa loob ng sabungan.

SM food to go Banner Ad

Habang hindi kinukumpirma ang pagkakaroon ng online sabong, inulit ni Margarico na ligal ang kamakailang derby.

Ayon sa kanya, nakakuha ang promoter ng isang special permit para sa isang six-cock derby mula sa municipal government.

Noong Oktubre inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagpapatuloy ng mga sabong gayunpaman, naglabas ng direktiba si Governor Arthur Defensor Jr., na nagbabawal pa sa live audience, online o malayong pagtaya o live na pag-broadcast ng mga sabong. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.