Una sa Balita

Iloilo mayor gumastos sa tarpaulin,stand-up comedian butata sa COA

0 358

Sinita ng Commission on Audit­ (COA) si Banate, Iloilo Mayor Carlos Cabangal Jr. dahil siningil nito sa provincial government ang halagang P280,000 na ginastos sa pagpapagawa ng mga ‘oversized welcome tarpaulins’ na may Christmas greetings para sa mga politiko at stand-up comedian na dumalo sa pagdiriwang ng Kasag Festival sa kanilang bayan.

Ayon sa COA, batay sa Section 305 ng Local Government Code, dapat lamang gastusin ang pondo ng pamahalaang lokal para sa ‘public purposes’.

Binanggit pa ng ahensiya ang desisyon ng Supreme Court sa kaso ng Yap vs COA, Gr. No. 158562 kung saan ay dapat makinabang ang publiko sa anumang paglustay ng pondo ng bayan.

Pinayagan umano ng provincial government ng Iloilo na magkaroon ng fund transfer para ma­gamit ni Cabangal sa iba’t ibang cultural activity. Sabi ng COA, hindi ito pumasa sa ‘public purpose test’ at hindi rin kinakailangan sa pagpapatupad ng mandato ng isang local government unit.

Sa ilalim ng COA Circular No. 2012-003, itinuturing na ‘unnecessary expenditures’ ang anumang gastusin na hindi naman makaka­tulong sa mga mamamayan ng isang local government. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy