Una sa Balita

Iloilo isinailalim sa state of calamity sa red tide

By
0 98

Pinagtibay na ng Sangguniang Bayan ng Carles sa Iloilo City ang pagsasailalim dito sa state of calamity dahil sa pananalasa ng red tide sa apat na barangay sa nasabing bayan.

Ayon kay Carles Mayor Sigfred Betita, kahapon nang pagtibayin ng konseho ng bayan ang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity dahil sa nakitang pinsala na dulot ng red tide.

Sinabi ni Betita na lubhang naapektuhan ang kabuhayan at food security ng bayan matapos tumama ang red tide sa apat na barangay ng Lantangan, Granada, Gabi at Asluman sa Gigantes Island dahil ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa lugar ay ang pangingisda at pangunguha ng mga shellfish.

“Lubhang apektado ang kabuhayan ng mga residente dahil sa red tide, dyan pang umaasa ang residente,” pahayag ni Betita. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy