Una sa Balita

Ilocos Sur mayor pinapadampot sa kasong illegal detention, grave coercion

By
0 827

PINAPAARESTO ng isang regional trial court judge si Cabugao, Ilocos Sur Mayor Josh Edward Cobangbang dahil umano sa pagkakasangkot sa puwersahang pagsasara ng isang beach resort na nagresulta sa pagkakulong ng siyam na katao sa loob ng da­lawang araw.

Sa ipinalabas na da­lawang warrant of arrest ni Cabugo Regional Trial Court (RTC) Judge Raphiel Alzate, ng Branch 43, ipinag-utos ang pagdakip kay Cobangbang at 19 iba para sa paglabag sa serious illegal detention at grave coercion.

Ayon sa court record, ang serious illegal detention ay non-bai­lable ngunit ipinag-utos ng korte na magbayad ito ng bail ng P36,000 bawat isa para sa kasong grave coercion.

Kamakailan, isinangkot ng Department of Justice (DOJ) si Cobangbang at iba pang local government official sa umano’y puwersahang pagkandado sa Cabugao Beach Resort at pagkulong sa beach operator na si Virginia Nicole Savellano-Ong, kasama ang apat na taong gulang na anak na lalaki at pitong mga staff nito noong August 2017 sa nasabing resort.

Napag-alaman na matapos maipasara ang beach resort, ay muli itong binuksan ng Cabugao local government unit (LGU) at binigay sa panibagong lessee o bagong magrerenta ng nasabing resort.

Ayon sa court record, ilang LGU staff ng Cabugao municipal go­vernment, sa utos ni Cobangbang ay kinulong sa loob ng kuwarto na gi­namitan ng bakal na kandado si Ong, ang anak nitong paslit at ilang staff na nakalabas lamang makaraan ang dalawang araw nang dumating na ang abogado nito kasama ang mga pulis.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More