Una sa Balita

Ilocos PNP alerto sa terorismo

0 185

Kaugnay ng pagtugon kontra terorismo, pinapapalagda ngayon sa logbook ang bawat tu­rista na pumapasok sa St. Augustine Church sa Paoay, Ilocos Norte.

Ayon sa parokya ng nasabing simbahan, sa pamamagitan ng pagsa-sign sa logbook sa bawat turista, mamo-monitor nila ang mga pumapasok dito.

Ang St. Augustine ay dinagdagsa ng mga tu­rista, mapalokal man o foreigner, sa kabila ng kumakalat na banta ng terorismo at marami pa rin ang nagpapa-bless ng kanilang sasakyan at nakikinig ng misa.

Dito, nakiusap ang pulisya sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa mga kahinahinalang bagay o tao sa paligid at agad i-report sa tanggapan ng pulis.

Samantala, hinigpitan din ng militar at pulis ang seguridad sa Laoag City, kung saan pa­ngunahing binabanta­yan ang St. William Cathedral.

“Lagi naman nating ginagawa ito. May visibility tayo hindi lamang sa simbahan kundi sa palengke na madami ring tao. Nagkataon lang na nitong mga nakaraang araw dinagdagan lang natin ang preparation natin para sa safety ng public,” ani Laoag City Police Station deputy chief-of-police P/Maj. Adriano Licudan. ­(Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy