Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ilocos Norte inawat pagtulong sa nasalanta

0 155

Pansamantalang sinuspinde ng Ilocos Norte provincial government ang donation drive nila sa Cagayan, matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlo nilang kawani.

Mula Biyernes, skeletal workforce na lang muna ang pinapagana sa mga tanggapan sa probinsyal na pamahalaan.

Nagpapatuloy naman ang expanded contact tracing sa mga nakasalamuha ng tatlong pasyente.

“This is to ensure the safety of our kailian (townmate) and our employees, and to avert the further spread of Covid-19,” ayon pa sa abiso publiko ng provincial government, Biyernes ng hapon.

Samantala, patuloy naman ang relief operations ng ibang public at private organization sa Laoag City para sa mga biktima ng pagbaha sa Cagayan Valley at Isabela.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.