Una sa Balita

Illegal vendor, traffic next target ni Erap

0 561

Matapos ang ultimatum sa garbage contractor, ang susunod na target naman ni Manila Mayo­r Joseph ‘Erap’ Estrada ay ang paglutas sa problema ng mga illegal vendor at buhol-buhol na trapiko sa lungsod.

Matapos mahirang na 2nd placer ang Maynila sa Over-all Most Competetive Highly Urbanized City, binati ng alkalde ang kanyang mga department head kasunod ng direktibang mas maging agresibo pa sa paglilingkod sa mamayan ng lungsod.

Bagama’t naging 1st placer na ang Maynila sa pagiging most competetive sa buong bansa noong 2016, sinabi ni Estrada na hindi pa rin dapat mag-relax ang mga department head.

Kaugnay nito, inatasan ni Erap si Manila Traffic Chief Dennis Alcoreza na palakasin ang kampanya laban sa mga illegal par­king, illegal terminal at mga colorum sa lungsod.

Pinatututukan din ni Erap ang mga illegal vendor na madalas maging sanhi ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan sa iba’t ibang parte ng Maynila.

Nauna nang binalaan ni Erap ang garbage contractor na IPM Construction and Development Corporation na kakanselahin nito ang kontrata kapag naulit ang kapalpakan nito sa paghahakot ng basura.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy