Una sa Balita

Illegal settler kahit gaano katagal nakatira dahil hindi inyo ang ari-arian

By
0 1,040

Hello Attorney Claire,

Magandang gabi po.

Ano po ang maaari naming gawin para mapatituluhan po namin ang lupang kinatitirikan po ng bahay namin nang mahigit pong tatlumpung taon?

Abante Hiring – IT dep

Bago po ipatayo ng Nanay ko ang bahay namin sa dulo ng kalsada ay pinayuhan po siya ng nakatatandang kapatid (panganay) na duon po pumuwesto sa dulo ng kalsada. Pumayag naman po ang aking Ina dahil sa kaalamang pag-aaari iyon ng kanilang mga magulang. 

Sa maikling kuwento po ay nai-donate na po pala ng Lolo ang nasabing parte ng lupa sa gobyerno. Nalaman po namin na ito ay government property na pala nu’ng mapa-check po sa Assesor’s Office.

May karapatan po ba kami sa lupa na mahigit 30 years na pong nakatayo? Ito po ay end of the road ng isang baranggay. Hanggang ngayon ay hindi naman po kami pinapaalis at doon na rin po nakatira ang pamilya ng kapatid ko.

Thank you in advance po sa inyong payo.
Gumagalang,
AAA

Mr. AAA,

Sa sitwasyon ninyo ay maituturing pa rin ka­yong illegal settler at kahit gaano katagal pa kayong nakatira sa lupa ay hindi magiging inyo ang nasabing ari-arian dahil iyan ay nakapangalan na sa gobyerno.

Dahil sa ito naman ay naibigay o donated ng lolo mo sa gobyerno (marahil ay dapat na gagawin iyang right of way) ay makakabuti na tanungin ang local government concerned ng kadahilanan ng pagkaka-donate.

Pakitignan na rin ang records ng LRA dahil baka iyang kinatitirikan ng bahay ninyo ay isa nang road right of way kaya lamang ay hindi pa naisasagawa ng lokal na pamahalaan.

Kung hindi naman ito road right of way ay maki­pag-ugnayan sa lokal na pamahalaan kung maaari ba ninyong bilhin ang lupa sa tamang presyo lamang. At kapag pumayag at magkaroon ng Resolution para rito ay bayaran na lamang ang nasabing lupa upang magkatitulo kayo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.