Una sa Balita

Illegal logging pinatututukan ni Piñol

By
0 1,237

Nanawagan si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pagtuunan din ng pansin ang illegal logging.

Masigasig na nagpapasara ng mga resort sa Boracay at El Nido ang DENR kamakailan.

Sabi ni Piñol, sakop sa tungkulin ng DENR ang pagpigil sa illegal logging na malaking problema sa sektor ng agrikultura.

Kung walang mga gubat, hindi mapoproteksiyunan ang mga ilog at matutuyo ang mga ito.

Nakita ni Piñol ang mga nakakalbong kagubatan sa Samar nu’ng Miyerkoles na tila hindi namo-monitor ng DENR.

Dagdag pa niya, sana sumakay sa helicopter ang mga taga-DENR sa Northern Samar para makita nila ang illegal logging dito.