Una sa Balita

Illegal logger arestado sa pagputol ng narra

0 310

HULI ng mga awtoridad ang isang lalaki sa bayan ng Romblon na naaktuhan na nagpuputol ng puno ng narra nang walang kaukulang permit.

Ayon kay Captain Lendilyn Ambonan, ta-gapagsalita ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek na kinila-lang si Norberto Marino, 42-anyos, ay naaresto nitong makalawa matapos maaktuhan ng mga tauhan ng pulisya na nagpuputol ng puno ng mahogany at narra.

Wala umanong maipakitang permit ang suspek sa pagputol at sa gamit nitong chainsaw nang siya ay hanapan ng mga awtoridad kaya agad siyang inaresto.
Dinala naman sa Romblon Municipal Police Station ang mga lumber na nakuha sa suspek na aabot sa mahigit P50,000 ang ha-laga.

Ayon sa pulisya, magsumbong agad sa mga kinauukulan kung sakaling may kahinahinalang mga taong nagpupu-tol ng puno sa kanilang lugar na walang mga permit para maprotektahan umano ang kalikasan. (Paul Jaysent Fos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy