Una sa Balita

ILLAM namemeligro

By
0 115

Bumulagta sa pa­ngalawang sunod na laro sa loob ng tatlong araw ang host Philippines kontra Commonwealth of Northern Mariana Islands, 6-1, at halos matigbak na sa dalawang silya sa finals ng 2016 Asia Pacific Senior League Baseball Tournament prelims kahapon sa Clark International Sports Complex sa The Villages, Mabalacat, Pampanga.

Hindi nagklik ang hitting ng Philippine representative International Little League Association of Manila na nagsuko pa ng three runs sa third inning laban sa namemelig­ro na rin sa next round na 2015 champs.

Kailangang ma-sweep ng ILLAM ang last two games at manalangin na pumabor sa kanila ang resulta ng ibang matches para makahabol sa finals.

Swak na ang Australia sa gold medal game sa third straight win via 33-0 rout sa Indonesia sa opening game. Nakabuntot ang idle Guam (2-0), CNMI (1-2), Phl (0-2) at Indonesia (0-2).

Sa Intermediate Baseball, napahulagpos pa ng PHL bet Sarangani ang 3-1 lead tungo sa pagyuko sa defending champion Korea 20-3 sa regulation, at manganib na rin sa susunod na yugto ng kumpetisyon sa 1-2.

Umakbay ang Koreans sa pahingang Japan sa top spot sa 2-0. Nasa tersera ang Hong Kong sa 1-1.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy