Una sa Balita

Iligal na nagtatrabaho sa Davao: Manager na hapon dinampot sa pagmamaltrato

0 355

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang turistang Japanese national na nagtatrabaho sa Davao City matapos magreklamo ang mga empleyado nito na umano’y kanyang minaltrato.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang 45-anyos na Japanese na si Kiyoshi Yokoyama, na hinuli noong March 18 sa kanyang opisina sa Davao City na sinasabing nagtatrabaho bilang general manager.

Sinabi ni Morente na naglabas siya ng mission order laban sa dayuhan base sa reklamong kanyang natanggap mula sa mga empleyado ng kompanya na ibinunyag na siya ay nagtatrabaho sa bansa na walang kaukulang work permit at visa.

Hiniling din ng mga empleyado na mapalayas si Yokoyama sa pagiging anti-Filipino dahil sa ginagawa umanong pang-aapi at mapang-abusong pag-uugali sa mga empleyado ng kompanya.

“We cannot tolerate the continued stay of foreigners who blatantly violate our laws by working without permit and oppress Filipino workers,” sabi ni Morente. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More