Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iligal na COVID test kit binenta, 3 tiklo

0 59

PINOSASAN ang tatlong indibidwal dahil sa pagbebenta ng iligal na COVID-19 rapid test kit sa Parañaque, ayon kahapon sa Philippine National Police.

Kinilala ang mga suspek na sina Ace Dimaplis, Charisse Purino, at Aldrin Bacaran, na napag-alamang mga sub-leader ng Chinese online group na sangkot sa bentahan ng coronavirus test kit online.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group, kinasa ng pulisya ang entrapment operation noong Martes kung saan isang police poseur buyer ang umorder online sa mga suspek ng 250 kahon ng Wondfo rapid test kit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kada kahon ay naglalaman ng 20 set na may kabuuang halagang P1.2 milyon.

Matapos magpalitan ng pera at produkto sa Barangay Don Bosco, agad dinakip ang mga suspek na hindi na nakapalag matapos walang maipakitang lisensiya para magbenta ng nasabing produkto.

Narekober ang mga rapid test kit na aabot sa halagang P4 milyon, isang magazine ng kalibre .40 at iba’t ibang klase ng bala. Nakakulong na ang tatlo sa CIDG detention cell at sinampahan ng kaukulang kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.