Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Iligal na bentahan ng krudo sinalakay ng NBI

0 61

Huli ang may-ari ng isang mini grocery store maging ang mga tauhan nito, dahil sa umano’y pagbebenta ng mga produktong petrolyo sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte, na walang pahintulot ng Department of Energy (DOE).

Magkatuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinagawang entrapment operation.

Ayon kay NBI Ilocos Norte Director Diosdado Araos, isang asset ang bumili ng diesel at gasolina na nakalagay sa plastic container at bote, sa tindahan na nasa Brgy. Pansian. Matapos ito sinalakay na ang establisimyento.

Nakakuha ang mga awtoridad ng 19 na plastic container na naglalaman ng diesel at 6 plastic container na naglalaman naman ng premium gasoline. Mayroon din na 7 bote na naglalaman ng diesel.

Ang bawat plastic container ay mayroon umanong 23 na litro ng mga produktong petrolyo.

Nagapalaman naman na limang taon nang nagbebenta ng produktong petrolyo ang mga suspek. May nagde-deliver umano sa tindanan at kung minsan kumukuha sila sa gasolina station.

Paglabag sa Presidential Decree 1865 o Illegal Sale of Petroleum Products ang isasampa laban sa mga hinuli. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.