Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ildefonso, Kouame nilunod Bulldogs

0 159

NAGTULUNGAN sina Dave Ildefonso at Ange Kouame upang ilipad ang 89-75 panalo ng defending champions Ateneo Blue Eagles kontra National Univeristy Bulldogs sa second game ng UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, kahapon.

Humarurot si Ildefonso ng 17 markers at siyam na rebounds habang 16 points ang binakas ni Kouame upang akbayan ang Blue Eagles sa paglista ng malinis na 11 panalo.

Ipinaramdam agad ng Blue Eagles ang tulis ng kanilang kuko nang dakmain ang 17-point lead, 29-12, sa pagtatapos ng first canto at nagtuloy sa second kaya naman lumubo ang kanilang bentahe, 61-36, sa halftime.

Kumana agad ng 13 puntos si Ildefonso sa unang dalawang period at dahil sa ganadong maglaro ang Blue Eagles ay umabot pa sa 33 marka ang kanilang abante.

Naibaba ng Bulldogs ang kanilang hinahabol sa 14 puntos may tatlong minuto na lang sa orasan subalit naging matatag ang Ateneo para mapalapit sa inaasam na sweep.

Tumikada si Ernest Felicilda at John Figueroa ng tig-12 puntos para sa NU na nakalasap ng pitong talo sa 11 laro. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.