Una sa Balita

Ildefonso atat sa Gilas kaya lumayas sa Bulldogs

0 423

TULUYAN nang nilayasan ni National University Bulldogs starter Sean Dave Ildefonso upang magbalik sa Ateneo Blue Eagles para sa kampanya sa University Athletics ­Association of the Philippines men’s basketball.

Ilang source ang nagsabi Linggo, na pormalidad na kay Ildefonso ang paghayag sa pagtawid bakod para balikan ang pinaglaruan niya sa UAAP boys hoops Ateneo.

Hinirit ng impormante dahilan sa pagsibat ng collegiate star ay ang asam na makapapasok sa Gilas Pilipinas training pool kung saan program director si ADMU coach Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin.

Maging ang pagpagitna umano ng may ari ng Bustillos-based squad na si Hans Sy ‘di kumumbinsi sa batang Ildefonso bunsod sa pagdamay sa kanya ama na si Danilo Ildefonso sa nasipa sa coaching staff dahil sa paghalili na ni Golwin ­Monteverde kay Maichael Ray ‘Jamike’ Jarin. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More