Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ilang probinsya mapepeste ng CPP-NPA-NDF

0 96

Nangangamba ang tatlong gobernador at isang municipal mayor na muling mapeste ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines, New Peoples’ Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang probinsiya.

Ito anila ay kung tatapyasan ang pondo sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC, inihayag ni Abra De Ilog Municipal Mayor Eric Constantino ng Occidental Mindoro na nakaumang na naman ang panganib sa kanila dahil inilipat na ang headquarters ng NPA na nakabase sa probinsiya ng Quezon at Laguna sa kanilang lugar. Ito ay sa kabila ng nabuhusan na ng pondo ng BDP ang ilan sa kanilang mga barangay upang makaranas naman ng kaunlaran dahil sa kalagayang napakalalayo nito sa mga kabihasnan at mga Indigenous People (IP) o mga katutubo ang mga naninirahan sa mga nasabing komunidad.

Sabi ni Constantino, ang mga IP din ang pinagmumulan ng malaking bilang ng mga nare-recruit ng komunistang-teroristang samahan dahil sila ay mga nasa kabundukan o malalayong lugar kaya’t madaling pagsamantalahan ng mga pesteng CPP-NPA-NDF.

“Balikan ninyong muli ang inyong desisyon, upang makita niyo ang kahalagahan ng nagagawa ng BDP sa ilalim ng NTF-ELCAC,” pakiusap ng alkalde sa mga senador. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.