Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ilang Pinoy na-trauma sa hate crime ng US

0 156

Nakakaranas ngayon ng pangamba ang ilang Pilipino sa Estados Unidos at natatakot lumabas dahil na rin sa mga insidente ng hate crime laban sa mga Asian sa nasabing bansa.

Kasunod na rin ito ng nangyaring pag-torture sa isang Pinay sa US kung saan binugbog ito at pinagsusuntok ng 125 na beses.

Sa report sa Department of Foreign Affairs, nangyari ito sa New York City kung saan nabalian pa ng buto ang babae.

Sinabi ni Philippine Consulate General Elmer Cato, na tatlo na ang naitatalang pag-atake sa mga Pinay sa Amerika kamakailan.

Kaugnay nito, ikinuwento naman ni Maria Corazon Dans, isang Pilipinang nakatira sa New York City, na mayroon din siyang kaibigan na sinampal na lang pagpasok sa train.

Lumalabas umano na nadye-generalize ang mga Asians na Chinese na nasa Estados Unidos. Nagagalit umano ang ilang Amerikano sa Chinese dahil sa pagkalat ng COVID-19. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.