Una sa Balita

Ilang NBA game eere na tuwing weekend

0 419

PANSAMANTALANG magba-block timer ang NBA Philippines sa CNN Philippines upang makapag-ere sa free television ng ilang piling NBA games, ayon sa report.

Ilang linggo nang sa Facebook at ilang social media platform pa lamang naipalalabas nang libre ang mga NBA game dahil tapos na ang kontrata nito sa Solar Philippines.

“NBA Philippines has yet to strike a deal with any of the TV networks which expressed interest on getting the rights to air the games,” ayon sa source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

“If NBA Philippines will continue to push for such offer, the networks will have a difficult time coping up for the expenses they will throw just to bring in the games on television.”

Sa nakaraang report ng FOX Sports Philippines, sinabi ni Jane Basas, presidente ng TV5, na masyadong malaki ang hinihinging broadcast rights ng NBA Philippines.

“The price for the TV rights which was offered to us is something we cannot even recover,” ayon kay Basas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy