Una sa Balita

Ilang media pasok sa listahan ng PDEA

0 427

Hindi lamang mga politiko at celebrity kundi kasama ang ilang malalaking media personality sa high value target list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sinabi ni PDEA Chief general Aaron Aquino na maituturing na malalaking pangalan sa media industry ang kanilang sinusubayba­yan dahil sa isyu ng iligal na droga.

Ayon kay Aquino, hindi user kundi protector ang ilang kagawad ng media na nasa kanilang high value ­target .

Ang mga ito ay kabilang sa tri-media na ang ibig sabihin ay mula sa broadcast, print at online.

Sa PDEA press briefing na ginanap sa Malacañang, sinabi ni Aquino na umaabot sa 12,000 pangalan ang nasa kanilang listahan na maituturing na mga high value target.

Kasama rin sa listahan ang mga local executive, mga opisyal ng barangay at mayroon ding congressman.

Kasama rin sa listahan­ ang mga dayuhan na gumagawa ng illegal drug trade sa bansa. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy