Una sa Balita

Ilang Kapuso star dinedma ang event ng GMA-7

0 587

abante-talbog-joe-barramedaNagpasama sa akin si Jeric Gonzales sa block screening ng “X-Men” na ang GMA Artist Center ang nag-organize para mag-bonding ang mga artist nila, pati na ang mga advertiser mula sa iba’t ibang agency.

Nasaksihan namin ang pakikipag-bonding ng lahat ng GMA-7 star. Dumating sina Rocco Nacino, Andre Paras, Kyline Alcantara, Kate Valdez, at marami pang iba.

Napansin namin na ilan din ang hindi nakadalo for whatever reason. Sana sa mga ganitong pagkakataon ay obligahin ng mga manager na padaluhin ang mga artista at malaking bagay ito na makasalamuha nila ang mga advertiser na puwedeng magbigay sa kanila ng pagkakataon na makapag-endorso ng kani-kanilang produkto.

Boses ni Julie Anne mabenta sa mga fan

In demand talaga ang boses ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose! Biruin ninyo, kakatapos lang niya mag-perform sa New York noong Mayo, sasabak naman siya sa concert ngayon. Hindi lang isa, kundi dalawa pa ang nakalinya para kay Julie Anne!

Ngayong July 6 na gaganapin ang Kapuso concert na “The Sweetheart and the Balladeer” sa Cagayan de Oro, kung saan makakasama niya ang iba pang mga GMA artist na sina Christian Bautista, Donita Nose, Tekla, at Kyline Alcantara. Sa July 20 naman sa Solaire ang kanyang solo concert na “Julie Sings the Divas.”

Talaga namang #blessed itong si Julie sa projects this year. Bongga!

Ashley Ortega matindi ang inggit kay Bianca Umali

Ikinatuwa ng Kapuso viewers ang mu­ling pagkikita nina Ahmad (Miguel Tanfelix) at Sahaya (Bianca Umali) sa GMA primetime series. Matagal nilang hinintay ang reunion ng dalawa kaya bumuhos ang pagmamahal ng kanilang fans online sa naturang episode.

Nag-trending ang #SahMadMoment, patunay na hindi pinalampas at na-miss ng fans ang dalawang Kapuso stars. Bukod dito, lalong dumarami ang nahu-hook sa “Sahaya” dahil inspirational ang kuwento nito.

Ani @cellieriverie, “I like that the story just revolves around the two families. Galing ng nag-isip ng kwento.” Kudos sa buong team ng Sahaya!”

Samantala, lalong nagiging intense ang mga kaganapan sa buhay ni Sahaya dahil marami pang mabubunyag tungkol sa kanyang tunay na pagkatao! Aaminin na ba ni Harold (Zoren Legaspi) kay Sahaya na siya ang ama nito? Lalo bang titindi ang inggit ni Lindsay (Ashley Ortega) kay Sahaya?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy