Una sa Balita

Ilabas ang jacket! Baguio bagsak sa 11.8°C

0 271

NAITALA ang 11.8 degree Celsius na temperatura sa Baguio City kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa alas-6:00 nang umaga naitala ang mababang temperatura at sa mga susunod na araw hanggang papalapit ang araw ng Pasko ay mas asahan pa ang paglamig ng klima.

Ang peak ng cold weather sa Baguio ay inaasahan pagsapit ng buwan ng Enero hanggang Pebrero.

Matatandaan na noong Enero 28,2019 naitala temperatura dito ng 9.8 degree Celsius

Sa kasaysayan, noong Enero. 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City na 6.3 degrees.

Kasabay ng nararanasang lamig sa Baguio ay una nang nagpaalala ang Department of Health na ma­ging maingat sa sarili upang makaiwas sa mga sakit dala ng taglamig lalo na ang ubo at sipon. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy