Una sa Balita

Ikukulong ang mga bilyonaryo?

0 504

“Sa madaling sa­lita, hindi natin maipapatupad ang mga parangal na pabor lamang sa atin at balewalain ang mga laban sa atin.”

Naging ­kontrobersyal kamakailan ang isa na namang desisyong ­arbrital na pabor sa Manila Water, kung saan ‘di umano’y babayaran ito ng Pilipinas ng P7 bilyon. Katulad nito, nagkaroon din ng naunang award na hindi bababa sa P4 bilyon na pabor naman sa Maynilad.

Samantala, hindi tulad ng arbitral na pagpapasya ng International Tribunal of the Law of the Sea (ITLOS), ang pinakahuling desisyon na ito sa ilalim ng Permanent Court of Arbitration ay nananatiling lihim kahit na nangangahulugan ito ng pagkolekta ng pera mula sa bawat isa at bawat Pilipino upang mabayaran ang judgement award.

Ang mga abogado at komentarista ay hindi magawang magdisku­syon o magsulat tungkol sa desisyong ito dahil hindi nila nakita ang kahit isang kopya ng pag­huhusga. Subalit, batay sa mga pahayag na naiugnay sa Manila Water, lu­malabas na ang hala­gang ito na pinapabayaran ay para sa mga nagastos o capital expenditures sa pagpapaayos at pagpapaganda ng serbisyo nito sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Tama ang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi babayaran ng gobyerno ang award. Bakit natin babayaran ito? Ang halagang ito ay nararapat sana sa capital expenditure ng kumpanya ng tubig ngunit, sa katotohanan, mayroon pa nga tayong ­patuloy na kakulangan ng ­tubig kahit na tag-ulan. ­Samakatuwid, ang kumokunsumong publiko ay dapat lamang singilin kung ito ay ­nagdudulot ng mas maayos na serbisyo para sa kanila. Hindi sila dapat pagbayarin kung ang serbisyong kanilang natatanggap ay hindi maayos, mas lalo na kung mas madalas na sila ay ay walang tubig.

Dalawang punto ang nais kong imungkahi. Una, habang tama ang Department of Justice sa pagtukoy ng mga katiwalian sa concession agreement sa Manila Water, lalo na’t ito ay na-renew bago pa ‘man ito matapos at walang naganap na public bidding, kung kaya ito ay walang bisa, nananatiling isyu pa rin kung dapat nga bang pinahintulutan ang Manila Water noong unang concession agreement pa lamang sa pagtaas na hiningi nito mula sa Me­tropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ang kasunod na mga kamalian nang na-renew na kasunduan ay hindi maaaring gawing depensa upang maghabol ng labilidad sa naunang kasunduan.

At pangalawa, noong panahon na nais ­nating sundin ng China ang arbitral ruling sa ating pabor ukol sa West Phi­lippine Sea, ang tahasang pagtanggi ng China sa pagsunod dito ay maaring magpababa ng ating kalagayan sa international community kaugnay sa ITLOS ruling. Sa mada­ling salita, kikilos tayo tulad ng China sa pagtanggi na sumunod sa isang arbitral na paghatol laban dito. Sa madaling salita, hindi natin pwedeng ipa­tupad ang mga parangal na pabor lamang sa atin at ibalewala ang mga salungat sa atin.

Sa anumang kaso, lahat ay dapat gawain ng Solicitor General upang mapabalewala ang award o kahit man lamang mapigilan ang pagpapatupad nito. Habang nabibilang sa New York Convention, kung saan ang Pilipinas ay obligadong kilalanin ang mga arbitral na parangal na parang kahalintulad ng final at executory judgments ng ating mga lokal na korte, kailangan pa rin itong ipatupad ng ating mga lokal na korte.

Kapag humiling ang Manila Water na ipatupad ito, maaari na­ting magamit ang mga depensa tulad ng panloloko o kakulangan sa kakayahan o hindi pagiging patas ng mga arbiters. Sa madaling salita, isaalang-alang natin ang lahat ng mga ligal na depensa sa harap ng ating lokal na korte at hindi gawin tulad ng ginawa ng China – na ipina-isang tabi lamang ang hindi kanais-nais na award laban sa kanila.

Sa aking 30 taong karanasan sa paglilitis, kabilang ang ilang mga arbitral cases sa mga international tribunals, ang mga pribadong korporasyon ay mas malamang sa madalas na sasang-ayon na lamang sa isang kompromiso sa kanilang kaugnayang bansa. Bakit? Dahil sa kabila ng kanilang ligal na tagumpay, ang kanilang negosyo ay nananatiling nasa ilalim pa rin ng nasasakupang bansa.

Sa ngayon, ang ating sariling Korte Suprema ay pinagbayad ang dalawang kumpanyan nagsu-supply ng tubig nang aabot sa P1.84 bilyon sa multa para sa kanilang hindi pagtupad sa paggamit ng mga nakoletang environmental fees upang magtayo ng mga wastewater facilities. Ang multang ito ay dapat maging handa para sa pagset-off mula sa pinakabagong award. Bukod dito, P7 bilyon ang dapat bayaran ng mga kumpanyan nagsu-supply ng tubig para sa kanilang kabiguan na makapag-provide nitong mga wastewater treatment facilities. Hindi ako eksperto sa larangan na ito ngunit sa aking palagay, ang mga water suppliers na ito ay dapat pagbayarin ng danyos nang hindi bababa sa P20 bilyon para sa kanilang pagkabigo na linisin ang pasilidad na kanilang obligasyong ibigay sa publiko.

Nakatulong din na sinabi ng Manila Water na handa itong makipag-usap sa gobyerno hinggil sa arbitral award. Dapat lamang ito dahil una na silang nagkamali sa hindi pagsunod ng kanilang mga tungkulin sa ilalim ng Clean Air Act. Ngunit dapat silang makipag-usap sa gobyerno sapagkat, kung hindi, ang mga bilyunaryong may-ari ng mga kumpanya ng tubig ay maaaring makatikim ng buhay sa Muntinlupa dahil sa salang economic sabotage at syndicated estafa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More