Una sa Balita

Ikatlong SONA ni Duterte mula sa puso – Roque

By
0 1,547

GALING diumano sa puso ang laman ng magiging mensahe ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang nakatakdang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na personal na saloobin ng Pangulo patungkol sa bansa at sa mga Filipino ang magiging laman ng kanyang talumpati.

Pero bago aniya ang nakatakdang SONA ay magkakaroon ng pre-SONA briefing ang mga economic manager ng Pangulo na sisimulan sa susunod na linggo sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC) para bigyan ang Pangulo ng ‘latitude’ o kalayaan ng mga ide­yang nais nitong ipara­ting sa kanyang SONA.

Ilalatag sa pre-SONA briefing ang mga nakamit at nagawa na ng Duterte administration sa nakalipas na dala­wang taon.
Nilinaw ni Roque na magkakaroon pa rin ng speechwriter para sa SONA speech ng Pangulo subalit ang konsepto­ ay ang mensaheng magmumula sa puso ng ­Pangulo.

“There is still a speechwriter but I think they want it to be a message straight from the heart of the President not hindered by the need to report on the diffe­rent achievements,” sabi ni Roque.

Sinabi pa ng kalihim na bago sa kanila ang pre-SONA briefing at naiintriga siya kung ano ang sasabihin ng Pangulo sa kanyang ikatlong SONA.