Una sa Balita

Ikatlong digmaan

0 900

Dear Abante,

Mga ka-Abante sa tingin ko ay naghihintayan lang ang mga bansang may malalakas na armas na pandigma na may magkamali ng galaw sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea at ito ang maghuhudyat ng pagsisimula ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Nang pinatay ang duke ng Austria noong 1914, nagsimula ang World War 1, ngunit sa Europa lamang ito naganap, at hindi katulad ng ikalawang digmaan ay umabot sa Asya, na inumpisahan ng Germany noong 1939 nang sakupin nito ang Poland. At ang Japan naman ang sumakop sa mga bansa sa Asya kasama na dito ang Pilipinas.

Kahit na madami ang barkong pandigma ng China, ay mas advance naman ang navy ship ng Japan at US, Kung magkagayunman, kawawa naman ang Pilipinas at nakakatakot isipin ang mangyayaring digmaan, parang tayo ang sasalo lahat ng bala at missile. Hayyss ‘wag naman po sanang maulit ang digmaan.

Romy Buen ng San Juan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy