Una sa Balita

Ikalawang LGBT Pride March, ikinasa sa Disyembre 1 ni Janella

0 184

Muling pangungunahan ni San Juan Vice-Mayor Janella Estrada ang Pride March para sa lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community sa Disyembre 1. Ito na ang ikalawang taon na magdaraos ng LGBT Pride March ang lungsod.

Magsisimula ang parada sa City Hall, ganap na alas-kuwatro nang hapon, patungo sa Tanghalan ng Masa sa N. Domingo St., Magiging tema ng Pride March ang ‘Love has no labels’.

Oktubre ng taong 2017 inaprubahan ng konseho ang ordinansa para sa gender equa­lity at noong Disyembre 2 naman isinagawa ang parada. Ilan sa mga lumahok sa programa ay sina ‘Showtime’ host Vice Ganda, singer Jake Zyrus at Boy Abunda.

Isa sa adbokasya ni Janella ay ang gender equality kaya’t itinulak niya ang proyektong ito dahil gusto niyang lahat ng tao ay maging pantay-pantay. Sa pamamagitan ng Pride March, napapalaganap ang diversity at equality gayundin ang pagmamahal sa sarili na hindi ikinatatakot ang paghusga ng ibang tao. May mga lugar sa bansa na kinamumuhian, sinasaktan at pinaiiral ang diskriminasyon sa mga LGBT pero sa San Juan, walang lugar ang ganitong pangamba.

Nagtatag si Janella ng grupong San Juanitas para sa gay community habang San Juani­tos naman para sa mga lesbian.

At dahil sa Anti-Discrimination Law ng lungsod, lahat ng establisimyento at negosyo sa San Juan ay ipinagbabawal ang diskriminasyon. Marami nang nagawa si Janella kahit ikalawang pinakamataas na pinuno pa lang siya ng lungsod. Mas marami pa siyang magagawa para sa kabutihan at kaunlaran ng San Juan kung siya naman ang uupong alkalde ng siyudad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy