Una sa Balita

Ikalawang dikit na panalo isinulong ni GM Gonzales

By
0 173

KINALOS ni Grandmaster Jayson Gonzales si Mart Nabuurs ng Netherlands upang manatling malinis ang karta matapos ang round two ng Burgse Meesters 2017 sa Bur­ges, Belgium, Linggo nang gabi.

Unang tinalbos ni Gonzales si Italian Alessandro Altea sa opening round bago dinomina si Nabuurs sa 60th move ng English duel at ilista ang dalawang puntos.

Nakisiksik si 49-year-old Far Eastern University coach Gonzales sa 18 woodpu­shers na nasa top spot, sunod niyang makakalaban si third seed GM Matthew Turner ng Scotland sa round three.

Nalasap ni Woman GM Janelle Mae Frayna ang unang kabiguan matapos yumuko kay sixth seed GM Wan Yunguo ng China.

May isang puntos si 22-year-old Frayna, na suportado ng Philippine Sports Commission at ni Philippine STAR president at chief executive officer Miguel Belmonte­, tinaob niya sa round 1 si Demmark chesse­r Malettti Julio Guil­lermo Quinones.

Kaharap ni Frayna sa third round si Adiran Somerfield.

Ang kampanya ni Frayna ay bilang paghahanda sa nala­lapit na World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia sa susunod na buwan, lalaro siya sa top board sa Philippine women’s team.

May isang panal­o at talo naman si Pino­y woodpusher IM John Marvin Miciano.