Una sa Balita

Ika-72 anibersaryo ng Hiroshima Atomic Bomb, ginunita

0 59

Ginunita kahapon ng Japan ang ika-72 anibersaryo ng unang pag-atake ng nuclear sa mundo, sa ­Hiroshima, Japan.

Ang anibersaryo ay nagmula matapos puma­nig ang Japan noong nakaraang buwan sa mga nuclear power ng Britain, France, at sa US na balewalain ang kasunduan sa UN na nagbabawal sa mga ­atomic weapons, na tinanggihan ­naman ng mga kritiko dahil sa hindi pagpansin sa katotohanan ng mga banta sa seguridad tulad ng North Korea.

Ang Japan ang bukod tanging bansa na naka­ranas ng pag-atake, noong 1945.

Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe, sa ­taunang seremonya sa Hiroshima Peace Memorial Park, malapit sa ground zero, na umaasa ang Japan sa mundong walang nuclear weapons na sasang-­ayon ang lahat ng bansa.

“For us to truly pursue a world without ­nuclear wea­pons, we need participation from both ­nuclear-weapons and non-nuclear weapons states,” pahayag ni Abe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy