Una sa Balita

Ika-7 sunod na oil price hike, ikakarga ngayong Martes

By
0 179

MULING magpapatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng la­ngis ng bansa, epektibo ngayong umaga, Set­yembre 25.

Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na nagpatupad ng price increase ang mga kompan­ya ng langis.

Nanguna ang Pilipinas Shell, PTT Philippines at Seaoil sa pag-anunsyo na may karagdagang P0.40 kada litro ng gasolina, P0.20 sa diesel, at P0.15 kada litro sa kerosene na epek­tibo alas-sais ng Martes nang umaga.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng la­ngis sa bansa kabilang ang Petron Corporation, Chevron (Caltex), Flyin­g V, Total, Phoenix Petroleum Philippines, ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga.

Sapul noong Agosto 14, 2018, ang itinaas ng presyo ng gasolina at diesel ay P3.05 kada litro habang sa kerosene ay P2.60 bawat litro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy