‘Ika-6 Na Utos’ papalitan ng Contessa ni Glaiza

By

Contessa ang pamagat ng next project ni Glaiza de Castro sa GMA 7.

Sa pagkakaalam namin, ang Contessa ang ipapalit ng Kapuso Network sa Ika-6 Na Utos na magwawakas sa February 2018.

Ibinalita ni Glaiza sa Christmas party for the Press ng GMA na makakasama niya sa Contessa ang nagbabalik-Kapuso na si Geoff Eigenmann.

Co-stars nina Glaiza at Geoff sa Contessa sina Gabby Eigenmann, Lauren Young, Jak Roberto at Chanda Romero.

***

Korean ang theme ng Christmas party ng GMA 7 para sa entertainment press at ginanap ito sa Studio 7 ng GMA Network Inc. noong Miyerkoles, December 6.

Special guests sina Gil Cuerva, Andrea Torres, Ivan Dorschner, Bruno Gabriel, David Licauco at ang My Korean Ja­giya stars na sina Alexander Lee at Andy Ryu.

May taping sina Ale­xander at Andy pero sumaglit sila sa Christmas party para ibigay ang award sa winners ng Oppa and Jagiya of the Night.

Consistent si Andy sa statement nito na halo-halo at sinigang ang kanyang mga favorite Pinoy food.


At gaya ni Alexander, ang ‘echoserang frog’ ang gay lingo na unang natutunan ni Andy na dalawang linggo pa lang na namamalagi sa Pilipinas.

SHARE