Una sa Balita

‘Ika-5 Utos’ namulaklak sa patayan, bugbugan, talakan

By
0 220

Simula pa lang ay matitinding eksena na agad ang nasaksihan sa ‘Ika-5 Utos’ ng GMA-7. Puno ng landian, patayan ang teleseryeng ito, na pinangungunahan ng tatlong mga babae, sina Jean Garcia, Gelli de Belen, at Valerie Concepcion.

Imagine, sa unang episode pa lang, ipinakita na agad sa kuwento ang pagtataksil ng dalawang nilalang, na nahuli nga agad ng kani-kanilang mga karelasyon. Na nasundan pa ng pagkamatay ng isang bata, at nasundan pa ulit ng pagkamatay ng isang ama.

Kaloka, ‘di ba? Sa tanghaling tapat, talaga namang kakabog at kakabog ang dibdib mo. The same formula na ginamit sa ‘Ika-6 na Utos’, na sa bawat episode, may mga kaganapan na magpapakaba, magpapagalit, magpapatuwa sa iyo.

Kunsabagay, si Direk Laurice Guillen din ang direktor ng Ika-5 Utos, na siya ring nagdirek ng Ika-6 na Utos.
Anyway, sa isang eksena kamakailan, makikita na galit na galit si Kelly dahil sa ulan.

Hinintay niya si Eloisa na dumating, at sa pagdating nito na halos mababasa na sa ulan, big­la na lang may naglagay ng coat dito, si Emil. Parang huminto nga ang mundo ni Eloisa nang makita si Emil.

Sa frat house naman Carlo treats frat member with beers. Brix is an easy companion for Carlo, even in frat Carlo and Brix are together.

Joanna, the girlfriend of Carlo checks the frat house. But since Carlo was drunk he beat Joanna, Brix was there to stop and pacify him.

After they drink, Carlo insisted on driving. He accidentally hit Leo. They almost got into a fight. Oh, ‘di ba, kahit ang mga batang cast, bugbugan din agad ang hinaharap sa teleseryeng ito.
At ano naman ang sabi ng mga manonood?

“Kahit lalaki ako naaadik na ko sa kakanood nito. Dati ko na niloko ang asawa ko pero nagmakaawa ako dahil mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko na uulitin na lokohin siya,” Jane Macaraeg.

“Eduardo and Claudia you look good together… ang sweet nila,” Naomi Louise.

“Ang sobrang OA naman naniningil dapat naglagay na lang din ng epek ‘yung may apo sa tenga at ilong para match, nakakabuwisit,” what ever.

“May chemis­try talaga sina Tonton Gutierrez at Jean Garcia,” Abo Saliling.

“Mananalo si Emil sa abduction ng mga bata,” Shean Garcia.

“Hobby na nitong Clarisse ang panunulak, ha!” John Marie Gabales.

“Oh my gashhhh, kinilig ako sa kiss. Love u momshie.” Aileen Estrella.

“Grabe si Cecille, galit agad over acting. At nanakit pa. Ano ba yan? Napaka-violent naman,” Jojo Beatingo.

“Mas maraming ma­nonood nito pag panggabi,” Naomi Louise.